Resources
        
        Booklets
        
        Check out our education booklets to help you understand more about light 
        and color technologies and terminologies.
        
        
        
        ![]()
        White Papers
      ![]()
      Posters
      Get an A1 size color space poster for your laboratory.  Check it out. 
      
      BLOGS
Nakaapekto sa Persepsyon ng Pagkain ang Kulay
      Marami sa atin ay namimislead ang ating sense ng panlasa sa  ating sense ng paningin.
      So bakit nga ba naloloko ang ating taste buds ng ating mga  mata?  Expected natin na ang ating pagkain  ay pareho ng lasa sa ating nakikita. Kaya kapag ang kulay ng pagkain ay iba sa expected  nating lasa, magdidikta ang utak natin na iba ang lasa ng pagkain na ito. Base  sa pag aaral ng mga scientists, tayo bilang mga consumers ay nag jujudge ng  quality ng pagkain base sa kulay na ultimately nag iidentify ng lasa at  magiging basehan upang bilhin ang produkto.
Ang ating taste buds ay ang nag dedetermine ng apat na basic  tastes – sweet, salty, sour at bitter. Magbibigay ng signal ang ating taste  buds papunta sa ating utak upang iinterpret ang flavor. Subalit, bago natin  kainin ang ating pagkain ay titingnan muna natin ito pagkatapos ay magdadala ng  signal sa ating utak upang mag interpret ng lasa nito bago pa nating actually  kainin ang pagkain. Kaya ang lasa ng pagkain ay predetermined na base sa kulay  at tingin ng kakain bago pa man talagang kainin ito.
        Ang mga tao ay ina associate ang kulay ng pagkain sa lasa  nito. Isang halimbawa ay ang black color, ang expected ng tao sa kulay na ito  ay mapait or bitter, ang mga bright colors naman kagaya ng yellow ay perceived  na sweet or sour. Ang red color naman ay usually spicy ang ineexpect na lasa.
        Sa mga fresh foods naman, kagaya ng prutas at gulay ,  dumedepende tayo sa kulay upang malaman kung gaano kahinog or ka fresh ito.  Kaya kung ang prutas o gulay ay hindi umaayon sa ineexpect nating kulay ,  psychologically iba ang mapeperceive natin na lasa at flavor nito.
        Liban sa kulay, ang presentation ng pagkain ay may epekto rin  sa ating perception ng lasa at flavor ng pagkain.
        Sa isang research na ginanap, tinanong ang mga participants  na I rate ang flavor ng isang kape na inilagay sa tatlong magkakaibang mug –  white, blue at clear. Lumabas sa resulta na ang white mug ang may pinaka  intense at bitter na lasa kumpara sa parehong kape na inilagay sa blue at clear  na mugs.
        Sa isa pang pagaaral, ang kulay ng plato ay nagpakita rin ng influence  sa lasa ng pagkain. Halos lahat ng participants ay nagsabi na ang mousse na  nasa white plate ay mas matamis kaysa sa nakalagay sa black plate.
      Ang role ng kulay sa perception natin sa lasa ng pagkain ay  matagal ng pinagaaralan at sinasaliksik ng mga food companies upang mas  maintindihan nila ang consumer behavior at kung paano makakaapekto sa kanilang  produkto. Ang mga food companies na ito ay ginagamit ang psychological effect  na ito para sa kanilang bentahe. Idinadagdag ang food color sa  mga processed, packaged at kahit sa fresh na  pagkain upang ma enhance ang impresyon ng consumer sa lasa at kalidad ng mga  pagkain na ito. 
        Ang pagiging  consistent sa  product color ay indication ng quality ng isang brand o product. Para sa color  measurements, chroma meters and spectrophotometers ay recommended.
Para sa additional information about light and color measurement, you can contact us at (02) 8334440 or (02)5792214 or email us at info@colorapplications.com
  
  

